Malamang 2-3M ang dumagsa sa EDSA noong huling linggo ng Febrero 1986 o 36 na taóng lumipas. Yaon ang tanyag na EDSA Revolt na hinangaan ni Jane Fonda.
Sa libing ni Ninoy, marahil ay 1-2M ang humanay sa Dewey Boulevard. Maraming taga Metro-Manila ang lumabas sa dalawang pangyayaring binanggit.
20 taon sa kapangyarihan ang matandang Marcos. Na umay ang mga Pilipinong naapektuhan ng pagmamalabis ng pamilyang Marcos at mga kaalyado nito. Pumayag tayo na alisan ng pundamental na karapatan sa pag-aakalang may kapalit na kaguinhawahang pangkabuhayan tulad ng Singapore o South Korea.
Sa halip yumaman ang mga Marcos at mga katoto nila. Nangyari ang EDSA Revolution noong Febrero 1986. Alam ng matandang Marcos na ang nag-aalsang mga Pilipino ay kakarampot ng buong populasyon ng bansa. “Mga mayayaman, propesyonal, maliliit na mangangalakal at estudiante lamang ang nag-aklas laban sa akin. Nasaan ang mga maliliit na naniniwala sa aking pamumuno?” sambit ni FM bago siya itakas ng mga Amerikano sa Hawaii.
Sa makatuwid mga elitista lang ayon sa mga Marcos ang nagpalayas sa kanila. “Ang mga elitista ang sakim sa kapangyarihan. Kami ang tunay na kinatawan ng nakararaming Pilipino: magsasaka, mangingisda, manggagawa, sastre, waiter, janitor, OFW, seaman, domestic helper, mason, caminero, mga istambay, mga chismosa, mandurukot at snatcher. Nasaan sila nuong kasagsagan ng EDSA?”ika ni Imelda.
Maliban sa mga mandurukot at snatcher, lahat ng binanggit ni Marcos ay wala sa eksena. Bakit? Sila’s abala upang kumita ng pang-araw araw na pangangailangan. Samantalang ang AB at ilang bahagi ng C ay may naisubing panglaman ng bituka sa isang linggong pagtulog sa EDSA. Samakatuwid, AB ang nagpalayas sa mga Marcos na sa pag-aakala ng Amerika at ng international community ay representante ng buong bansa.
Mukhang magbubunga ang pagtitiis ng mga Marcos sa pakikibaka sa pulitika mula noong 1992 ng tumakbong Pangulo si Imelda. Nagbunga ang kanilang pagpupunyagi gamit ang nakaw na yaman. 92 n si Imelda. 65 na si Imee. 62 na si Bongbong.
Maaring maghigpit ang AMLaC at masarhan ang gripo ng kanilang isinubing yaman. Sila’y nagbabalik sa 2022. Salamat sa TikTok at YouTube. Simpleng paraan para maaabot ang malayong tanaw ng CDE.
Sino ang magluluklok sa kanila? Walang iba kundi ang CDE, mga isinumpang mamamayang minaliit at binale-wala ng mga AB o elitista at Inglesero na ngayo’y naninikluhod na samahan sila sa krusada nilang kulay rosas.
—
Image credit: https://www.rappler.com/newsbreak/iq/edsa-revolution-trivia
0 Comments