Parang intindi ko na si Rody. Galit talaga sya sa mga taga Luzon and to some extent sa mga taga Visayas. Napabayaan na kasi Mindanao mula pa noong 1900 ng masakop tayo ng Amerikano.
Noong magsimula ang independence natin, tatlo lang na taga Visayas ang naging Presidente: Osmeña Roxas at Garcia. Lahat ng iba pang Presidente taga Luzon simulan natin kay Aguinaldo Quezon hanggang kay PNoy.
90% ng mga ex-Presidents naguing bilyonaryo. Banguitin natin si Marcos FVR GMA at Erap. Yaong iba lalong yumaman o lumago ang ari-arian tulad ni Laurel Roxas Magsaysay Garcia Quirino at Dadong Macapagal.
Pero after Marcos lumala ang korapsyon at naging bilyon ang hatak ng korapsyon lalo na ng mga cronies ng naka-upong Presidente.
Ang Mindanao? Taga suporta lang o chuware-warewap ng mga taga Luzon ang mga taga Mindanao kaya pinapayagan ng mga taga Luzong presidente na magnakaw ang mga pulitikong illegal loggers holdaper smugglers gold panners at warlords tulad ni Bebot Alvarez the Dutertes the Parajinogs the Ampatuans at the Dimaporos. Ginagamit sila sa pandaraya. Huli sila sa resulta ng canvassing. Doon sila kumikita. Kung 1 milyong boto deferencia ni GMA halimbawa kayang ihocus-pocus ng mga warlords sa Mindanao kaya nga may mga ghost employees habang nakaupo ang padre de pamilya bilang pantustos sa loyalty ng mga tagasunod. ‘Hello Garci’ ang prueba. Nasa Mindanao si Garcillano. Minemekaniko ang resulta ng canvassing. Ano naman ang napapala ng mga tulad ni Du30? Mataas ang SoP. May cut doon ang local Comelec CoA Ombudsman Piscalya at mga Korte.
Kung susumahin halos lampas ng isang century ang pamamayagpag ng mga taga Luzon. Nagkaroon ng namumuong hinanakit o ika ng mga Amerikano ‘resentment’ o ‘sentimiento de azucar’ ika ng mga coño.
Matagal ang 121 years na walang taga Mindanao na national leader. Senador nga wala rin kasi lagi talo ang mga Muslim na kandidato. Huling elected senator si Tamano panahon pa ni Marcos at Rasul panahon pa ni Cory. Nene Pimentel? Pwede sabihing taga Mindanao pero ayaw ng mga local si Koko ng tumakbong Meyor ng CdO.
Ang yaman ng mga pulitikong Minadaoin, pansamantala lang tulad ng kay Rosseler Lim Vincenzo Sagun Alejandro Almendras o Climaco. Alam ni Duterte na kapag naguing Presidente sya iba ang trato sa pangalan ng angkan at ang kinulimbat na yaman na pinapatawad ng bayan paglipas ng panahon tulad ng pamilya Marcos.
Nakaw na yaman din ang pagbalasa sa imahe ng diktador. History ang ebidensya. Lumalambot ang mga generasyong ‘di dumanas ng lupit at kasakiman ng pamamahala ng mga diktador. Tingnan natin ang mga Hapon. Nilimot na ntin ang lupit ng Hapon noong WW2. Ngayon dahil sa ¥ ‘Banzai!!’ ang bati ntin sa kanila.
Alam yun ni Duterte. Nakatuon ang pananaw nya sa hinaharap. Ang mga taga Luzon pinagtatawanan ang mga Bisaya. May talumpati syang nakabaril sya ng isang mestizong ininsulto ang puntong-bisayâ niya. Galit sya sa mga tulad ni Gordon Roxas Aquino Hontiveros o Diokno na sa pakiwari nya’y minamaliit sya. Patronizing o condescending ika ng mga Inglesero na ang hanap lang eh boto sa panahon ng halalan. Naka tattoo ang iyamot na ito sa ubod ng utak ni Duterte. ‘Subukan nating tumakbo.’ ika nya kay Bong Go. Dahil sa suporta ng Tsina at ayuda ng mga dambuhalang dynasty sa pulitika segun sa pag-angat nya sa survey, tumubo pa si Du30 at Sara. ‘ Kung ‘di ako maguiguing Presidente gagawa tayo ng ating Presidente!”, ika ng bilyonaryong si Manny Villar.
Ayon LoNaPa si Du30.
At his inaugural address ika nya “I ascend to the Presidency not to help my friends or harm my enemies.” Kabaligtaran ang nangyari. Sa 6 na taon lumabas ang poot nya at nililimas nya ang pondo ng pandemya para sa kinabukasan ng kanyang angkan. Ang mga katalo nya sa pulitika hinanting nya hanggang sa dulo ng impierno. Pruweba? Ang mga Parojinog at ang bata ni Drilong si Mabilog.
Umaasa sya na paglipas ng 20-30 years may gagawa ng aklat o pelikula na inihahambing sya kay Wyatt Earp, ang Sheriff na Meyor ng Pilipinas…
—
Image from: https://www.washingtonpost.com/world/asia_pacific/duterte-takes-aim-at-the-press-testing-the-foundations-of-philippine-democracy/2018/03/16/a7d3f6f4-26d3-11e8-a227-fd2b009466bc_story.html
0 Comments