Golpe de Estado

Anu ang ginagawa ng AFP at PNP sa mga pananakot ng mga Duterte sa mga nagpapatupad ng batas gaya ng Impeachment? Masahol pa sa mga Ampatuan ang asal ng mga Duterte. Maghihintay pa ba tayo na may upakan sa mga senador na tatagal ng 10 taon ang imbestigasyon at nakaupo na naman ang mga Duterte?
AFP/PNP must protect the safety of the institutions by allowing the senators to do their jobs fearlessly. Dahil alam ng bayan na protektado ang mga namamahala laban sa mga katulad ng mga Duterte, makakaidlip tayo ng mahimbing at managinip ng Golpe de Estado!
Kapag nakaupo na mga Duterte, mamamayagpag ang Pharmally at si Speaker Polong. Clear and Present Danger ang mga Duterte. Uubusin ang ?10T budget ng bayan. E-Sabong dito, Juetang doon. DITO pala ang telecom ng mga Duterte fronted by Dennis Uy. Araw araw may binabanggang bangka sa Bajo de Masinloc at Recto Bank. Etc na ang Pinoy.
Huwag na rin tau umasa sa election dahil ang mga botante nasanay na sa vote buying. China ang magpu-full tank sa laban ni Sara. Anu panama ni Chiz dun? Confident ang mga Duterte na babalik sila. AFP/PNP na lang ang pipigil sa scenario na yan. Bigyan na lang ng graceful exit si Marcor Jr. Tutal pinahiya lang naman niya ang mga gahamang kumamkam ng ari-arian nila: Gozon, Lucio Tan, San Miguel, PLDT etc. Itong mga taong ito ang bubuelta maibalik ang kinamkam nila kasama pa diyan si Villar (kung hindi babalik si Sara, malamang mabangkarote na si Villar).
Gen. Romeo Brawner Jr. huwag na kayo sumunod sa job description n’yo bilang Chief of Staff. Dakmain na ninyo ang pamamahala sa lugmok na lugmok na bansang ito. Iligtas ninyo sa ang bayan sa paninipsip ng mga bampirang pulitiko na naniniwalang mahihigitan nila ang longevity ni Juan Ponce Enrile.
Huwag n tayo maniwala sa Constitution. Pinampahid lang ni Rody ang Constitution sa mala mestizo n’yang tumbong. Halos 40 years na yang Constitution na yan na ipinagbawal ang political dynasty pero ginagawang toilet paper lang ng mga Marcos, Romualdez, Villafuerte, Cayetano, Binay at 150 pang pamilya sa buong Pilipinas.
Hindi malayo na kapag nabulatlat ang mga resibo ng Office of the VP at DepEd, baka magtangkang ihiwalay ng mga Duterte ang Mindanao kasama ang MNLF MILF at Bangsa Moro ipang gawing Federal ang Mindanao. Isipin naman natin ang posibilidad ng Guerra Civil. Aba’y gumising naman kayo General Brawner!!
0 Comments