Karaniwang inirereklamo ng madlang pipol ay ang katiwalian at di-kwalipikadong mga mahistrado na bumubuo ng ating mga hukuman mula sa ibaba hanggang paitaas. Isa na rito ang di nalalaunang paghirang ng isang dating kongresman sa Pinakamataas na Hukuman.
Subali’t hindi lang mga hukom ang bumubuo ng tinatawag na sangay ng pamahalaan na nagpapaliwanag ng masalimuot na batas at gumagawad ng katarungan sa naaagrabiado kundi ang mga tagapamagitan sa maraming agenciang administratibo.
Ang katarungan ay hindi eksklusibong teritoryo ng hudikatura. Sa ating agham ng pamamahala, nagtalaga tayo ng mga kawanihan ng gumagawad din at naghahatid ng katarungan at nagpapaliwanag ng usapin sang-ayon sa batas na kanilang ipinatutupad. Karamihan sa mga agenciang ito ay nasa ilalim ng sangay ng panguluhan o ehekutibo. Nariyan ang kawanihan ng paggawa na kung saan mayroon tayong mga labor arbiters na nasa ilalim ng National Labor Relations Commission. Nariyan din ang Department of Agrarian Reform Adjudicatory Board na kung saan ay dinidinig ang mga usapin sa lupa. Ang Securities and Exchange Commission, na may kapangyarihan sa regulasyon ng bakasan at korporasyon. Nariyan din ang DTI, NTC, LTO, LTFRB, HLURB, PLEB, NAPOLCOM, Prosecutors Office, COSLAP, at marami pang iba. Tinatawag din nating mga judge ang mga tagapamigatan na bumubuo ng mga nasabing tanggapan, puera ng fiscal o prosecutor na sumasala ng mga isasampang mga kaso sa husgado.
Matindi sa ating lipunan ang negosyo ng katarungan. Araw-araw ay maraming mga mamamayan na humihingi ng katarungan ang dumudulog sa mga nasabing tanggapan. Kapag buwitre ang nakaupo sa mga tanggapang nabanggit, may problema tayo. Kapag unggoy naman katakut-takot na gobeldigok ang maririnig ng ating kababayang nakatira sa barangay tralala. Marami ng naisulat tungkol sa mga mandaragit at sira-ulo sa mga opisinang ito. Hingiang umaatikabo. May isang kolumnistang naglahad ang bumabahang peking duck sa Quezon City Regional Trial Court. Ang mala pagoooooong na pag-usad ng kaso sa NLRC. Ano ba ng mahirap desisyonan sa problema ng isang manggagawa, pang rocket science ba? May nagtanong sa akin, bakit mas madaling itayo ang mga flyover at skyway na libo ang manggagawa samantalang ang isang ejectment case ay sampung taon kung matapos. O ang paghusga kung ang coco levy ay salapi ng bayan. Ito ay tunay na problema sapagkat may mga juez (at justices) na hindi alam kung ano ang diperencia ng unlawful detainer at forcible entry. Sa gagong hukom, laging sinasabi na ang issue daw dito ay prior possession. Samakatuwid, kung ikaw ang mar-ari at iniskuatan ang lupa mo hindi ka puedeng magdemanda ng ejectment! May mga juez probinsiya na masyadong sipsip sa mayor at gobernador dahil sa buwanang allowance na ibinibigay ng nasabing opisyal sa mga hukom. Ang mensahe dito ay di dapat matalo sa kaso si mayor at si gob.
Sa mga labor arbiter naman, bakit katagal ng desisyon samantalang wala namang trial o isa-isang pagdinig at inuobliga ang mga partido na magsumite na lamang ng mga position paper, and yet, tatlong taon ang labas ng desisyon. Pero, chutamate kudasai, nariyan ang raket diyan. Pagmatagal, may follow-up. Bakit cottage industry na natin ang follow-up? Wala ba tayong pagpapahalaga sa panahon? Sa ating mga kababayan? Puede namang magkulong ang magistrado sa kanyang chambers at desisyonan ang kaso kahit bumagsak man ang kalangitan. Pero dehins mga repapepaps. Maghihintay ang hit man ni judge at baka may milagrong mangyayari. Karaniwan ito, pero hindi naman lahat. Ang siste, gusto ng NLRC na matalo ang kaso sa labor arbiter noong mga malalaking corporasyon dahil sa supersedeas bond na nakadeposito, puede ng panglagay dahil naka-budget na. Notoryus ang reversal sa NLRC. Nakakatakot. Puro tadyak sa dilim. Walang maliwanag na dahilan. Kung ikaw ang abogado ng worker, may pisi ka ba sa apelasyon? More often than not, at ito ang gustong posibilidad sa NLRC, malabo ng maka-apil sa Court of Appeals o sa Supreme Court. Sinong karaniwang taga riles ng tren ang nakaka-abot ng Supreme Court? Si Mark Jimenez lang tsong.
Ang punto natin dito ay ang pagong na pag-usad ng kaso at katamaran ng mga mahistrado. Lalong lalo na sa apilasyon. May hukuman tayo diyan sa may Orosa na home for the aged. Hindi ka papansinin kung karaniwang sidewalk vendor ka lang. Super tamad pa dahil wala ng ginawa kundi mag-affirm ng mga desisyon ng mga mababang hukuman. Madali nga naming mag-affirm quote ka lang ng quote, tapos, affirmed. May produksyon na. Samantalang kung magrereverse ka nga naman, babasahin mo ng buo ang expediente at research ang assistant mo na mahilig magkape sa Robinson. Ganyan din ang RTC kung naka-apela ang kaso mo galing MTC. Magkabarkada sila judge. Ayaw ma-antagonize ang inferior judge, dahil baka nga naman maki-usap ka sa darating na panahon eh teka nga muna nireverse mo ako ah di ba? Akala mo kung sino kang magaling?
Kung magkakaroon ng Con-Con, dapat ibalik na lang sana ang kumpirmasyon ng Commission on Appointments. Publiko ang pagsala sa mga magistrado. Sa ngayon, hindi alam ng madlang pipol kung sino ang mga naghahangad na maging juez o justice. Mga pulitiko din naman ang nasusunod sa appointment pagdating sa Malakasnang. Ang konsepto ng Judicial and Bar Council ay isang experimento na hindi epektibo sa ating kultura at nakinagisnan. Ito ay idea ni Chief Justice Roberto Concepcion na dapat alisin dahil ang layunin daw nito ay ilayo ang hukuman sa lingkis ng pulitika. Napakalaking pagkakamali na taong bayan ang nagdurusa.
di mo ba alam nung high school ka pinag-aralan yan
sino ba ang batang naghawak ng bibibliya sa panunumpa ni pangulong gloria macapagal arroyo sa kay punong mahistrado hilario davide jr.
sana na man ayusin nyo ang mga comments nyo no thankz
tama