[Pagbubunyag (Disclosure): napulot ko sa internet. Hindi ako ang nagsalin sa wika natin mula sa wikang Ingles. Ang orihinal na pamagat nito mula sa aking pinagpulutan ay MGA BAGAY NA HINAHANGAD. Sa palagay ko’y hindi angkop ang pagkakasalin, ipagpaumanhin. Kaya pinangahasan kong palitan ang pamagat ng MITHIIN, isang salitang pangmaramihan at humuhuli sa orihinal na titulong DESIDERATA. Ang tulang ito ni Max Ehrmann ay madalas bigkasin ng aking namayapang ama]
Hangga’t maaari, walang pagsuko, magkaroon ng mabuting pakikipag-ugnayan sa lahat ng mga tao.
Sabihin ang iyong katotohanan nang tahimik at malinaw; at pakinggan mo ang iba, kahit na ang walang sigla at mangmang; mayroon din silang sari-sariling mga salaysayin.
Iwasan mo ang mga taong matitingkad at mararahas; nakaliligalig sila sa kaluluwa.
Kapag inihambing mo ang iyong sarili sa iba, maaari kang maging palalo o may kapaitan, sapagka’t palaging magkakaroon ng mga nakalalamang at mas mababang mga tao kaysa iyo.
Kasiyahan ang iyong mga naisagawa, maging ang iyong mga balakin. Manatiling nahuhumaling sa iyong larangan, gaano man kaaba; Isa itong tunay na pag-aari sa pabagu-bagong katalagahan ng panahon.
Magsagawa ng pag-iingat sa iyong mga pakikitungong pangpinagkakaabalahan, sapagkat puno ang daigdig ng panlilinlang. Ngunit huwag mong hayaang bulagin ka nito sa kung anumang naririyang kabutihang-loob; maraming mga taong nagsusumikap para sa matataas na mga pamantayan, at kahit saan man, puno ang buhay ng pagkabayani.
Maging ikaw ka. Natatangi na walang pagkukunwari sa saloobin.
Huwag ring maging makutyain hinggil sa pag-ibig, dahil sa mukha ng lahat ng katigangan at pagkaakit, panghabang panahon itong katulad ng damo.
Malugod mong tanggapin ang pangaral ng mga taon, habang may kayumiang isinusuko ang mga bagay ng kabataan.
Mag-alaga ng lakas ng kaluluwa upang may pananggalang ka sa biglaang dagok ng kapalaran. Ngunit huwag mong guluhin ng madilim na mga palapalagay ang iyong isipan. Maraming mga takot ang isinisilang mula sa kapaguran at pangungulila.
Sa kabila ng kaayaayang katakdaang pang-asal, maging banayad sa iyong sarili.
Isa kang anak ng sanlibutan na katulad ng mga puno at mga bituin; mayroon kang karapatan sa pagiging naririto.
At kahit na malinaw man sa iyo o hindi, walang pag-aalinlangang lumalantad ang sanlibutan ayon sa nararapat. Samakatuwid, mamayapa ka sa piling ng Maykapal, sa kung anumang paraan mo siya nauunawaan.
At kung ano man ang iyong mga gawain at mga hangarin, sa loob ng magulong kalituhan ng buhay, kupkupin ang kapayapaan sa iyong kaluluwa.
Sa kabila ng kanyang kahungkagan, kabagalan, at sawing mga pangarap, isa pa rin siyang magandang daigdig. Maging masiyahin.
Magsikap kang maging maligaya.
MAX EHRMANN, 1927
0 Comments