Macho ang ibig iproyekto ni Rody sa kanyang mga tagahanga. Astig, Barako, at Siga. Wala sinabi sina Chavit, Hagedorn at Erap. Pati pananamit. Wala medyas at aninag ang humpak na dibdib at kita ang nakausling tiyan. Kung may bagong assault rifle mula China, pumopormang umaasinta. Tulo laway mga kapanalig niya. “Iba talaga si Tatay!”
Dahil macho kailangan mga macho din ang nakapaligid maliban kay Harry. May mga kababaihan bang miembro ng Gabinete maliban kay Bb Leonor Briones at G Francisco Duque? Pati si Bong Go dati tamemeng tao nahawa na ng kanyang idolo katulad ng mga tagahanga ni FPJ noong araw na ginagaya kung paano umasta ang Hari ng Pelikula. Kaya sa loob ng 24 months mula ng mahalal si Rody, lumilibot sa mga kampo ng Sandatahang Lakas at kahalubilo ang mga enlisted men sa entablado. Sa mga panahon ding yaon, namumudmod ng .45 cal pistol si Presidente. Boga ng mga Barako ang cuarenta y cinco.
Pagkapanumpa niya, sinimulan nya ang pagtatalaga ng mga retiradong heneral sa pamahalaang sibilyan. Alam na natin kung sinu-sino ang mga heneral na yan na nasa Gabinete at mga kawanihan ng gobyerno tulad ng Customs, MWSS, PCSO at iba pa.
Samakatuwid, nasa ilalim tayo ng pseudo martial law sapagkat ang mga nasa pamahalaan ang dating mga hepe ng sandatahan. Extension na ng AFP ang civilian goverment. Pati pamamahagi ng reliefs tuwing kalamidad hawak ng isang heneral. Ang kunyaring dahilan ayon kay Duterte ay mabilis ang pagtupad sa mga utos ng commander-in-chief. “Kung mga civilian ang nasa puesto mareklamo at puro debate ‘di tulad ng militar ora mismo!” sang-ayon kay Duterte.
Noong umalma si Dick Gordon na limitahan ang appointment ng mga retired generals sinapok agad sya ni Duterte at ang ‘ika, “You know, I think ‘yung sabi niyang probinsyano ako, sa bagay totoo ‘yan. Pero, at least, probinsiyano ako, my brain stays in my head. ‘Yung utak mo, Dick, natutunaw, napupunta diyan sa tiyan mo. You are a fart away from disaster. Intindihin mo muna ‘yung tiyan mo bago ka makialam sa trabaho ko.” Palakpakan ang mga tagahanga. Tuloy ang ligaya. “Siga ang Tatay Digong napapaligiran ng mga PMAeers” ika ng mga DDS. Pero medio nadiskaril ang Duterte Express ng dumating ang China beerus. Walang template ang kalamidad na ito kumpara sa bagyo, putok ng bulkan at Marawi siege. ‘Ika nga ni Bill Gates, “ang tagumpay ay palpak na guro. Nirarahuyo nito ang mga madiskarte na hindi sila mabibigo” (Success is a lousy teacher. It seduces smart people into thinking they can’t lose).
Sa huling yugto ng 2018-2019 bumaha ang mga Tsino mula mainland. Ang mga kapitalista ng POGO ay kasiping sa kama ng mga taong Duterte. Ang mga libong kamador ay may dalang pastillas na sumunog sa mga kawani ng Immigration. Putok sa Chequa ang NAIA. Putok din bulsa ng mga Ninong nila dahilan ng pagsibak sa DoJ Secretary Aguirre.
Ganun ang ibig sabihin ni Duterte: ang mga sibilyan kahit abogado butatá ang trabaho. Kumalat ang China virus: paisa-isa, pasampu-sampu, padaan-daan, hanggang maging palibo-libo.
Noong panahon ni GMA, in fairness, hindi kumalat ang HK-SARS dahil sarado ang mga borders natin sa mga taga HK at mainland China. Wala pa POGO nun. Mabuti na lang kung hindi papatulan yun ni FG.
Pero ngaun dahil hindi makontrol ni Duterte ang mga bata at kamag-anak nya sa pagtangkilik sa mga Chinese POGOs (parang si Imelda ni Marcos) kumalat ang beerus. On record, Chinese couple from the mainland ang unang pasyente ng Jose Reyes Memorial Hospital. May reporter na nagtanung kay Sec Duque kung ipagbabawal ang pagpasok ng Chinese sa bansa, ‘ika nya “baka magtampo ang China”.
Balik tayo sa mga heneral.
Kapag nagsasalita sina Sec Galvez, parang maririnig mo, “anu ba itong napasukan kung ire?” Napasubo na si Duterte. “Andyan na yang mga heneral pangatawanan na lang natin at sagupain ang tadhana baka may swerte sa huling baraha”.
Ang mga heneral ni Duterte ay walang muwang sa problemang pangkalusugan na kalat sa buong bansa. Kung ang insurgency nga ‘di nila malutas pandemic pa kaya?
Puro abogado at heneral ang nasa IATF tulad ni Atty Nograles, kabayan ni Duterte sa Davao. Si Dr Tony Leachon nagkusang magbigay ng payo pero sinibak agad. Ayaw nila ng outsider kasi baka mag-leak ang mga Terms of Reference ng mga kontrata sa bakuna. Wala tayo counterpart ni Dr. Anthony Fauci. Walang karanasan sa agham ang mga heneral tulad ng epidemiology, international transactions, logistics, health administration, etc. etc. maliban sa military science ni Col Corpus. Ginawa ni Rody na Jack of All Trades ang mga heneral nya. Hindi na sya makakambio nasa quinta na ang transmission nya sira pa ang preno.
Kung papalitan nya mga heneral nya tatawanan sya ni Dick dahil may tama sya. Tama si Frank Drilon, “Somebody plays God under Duterte!” Tama si Ping Lacson, “Ok utang mo pero asan ang bakuna” Tama si Tito Sotto, “Dissolve the incompetent IATF!” Tama si Tony Carpio, “let’s have an option or we all die”.
Tama si Duterte, “Inutil ako!” May tama ang administrasyon ni Duterte.
Lahat ng hospital umaapaw na ng positive. Out of stock na ang gamot laban sa Covid.
Saan pupunta ang ‘di tatanggapin? Sa palengke? Sa sidewalk? Sa simbahan? Sa jeep at bus? Totoo pala ang mga Zombies. Kawawa ang Pinoy. Sa ngayon, Pariah Carey tayo.
Ayaw nya mapahiya. Run Sara Run.
Ang Sarap basahin at pagmunimunihin ang inyong mga pananaw/opinion na sa aking palagay ay tugma at nagpapa totoo sa bulok at baluktot na pamamalakad ng rehimen Duterte.
Nawa at magising at matauhan na mga taong naduterte niya.
Napaka talas ng iyong pluma. Dumapo ang langaw na DDS nahiwa agad ang mga hinayupak.
Sa step one, yes, putol ang ulo agad ng DDS.
Nakakabuhay ang ganitong sulat in.