Katataspulong

Atty. Sonny Pulgar’s Blog & personal website.

Sentro Ng Gabay Legal sa Quezon

Mga Asunto At Adbokasiyang Ipinaglaban Ng Sentro Ng Gabay Legal Sa Quezon

Atty. Sonny Pulgar
Managing Partner
  • Kaso sa Paggawa Laban sa Santos Telephone Corp(SanTelCor) sa Calauag, Quezon, kung saan ipinababalik ng Korte Suprema ang mga tinanggal na manggawa, sa nasabing kumpanya at babayaran ng backwages na kung saan isa sa kanila ay nasawi noong itinatayo ang telephone tower sa Tagkawayan, Quezon. Natalo ang mga manggagawa sa lebel ng Labor Arbiter at National Labor Relations Commission sa mababaw na kadahilanang wala daw employee-employer relationship sa pagitan ng workers at management. Subalit sa pamamagitan ng matrabahong apelasyon na karaniwan ay ipinagkakait sa trabahador, na-ipanalo ng SENTRO sa Court of Appeals at Supreme Court ang kaso.
  • Anti-Graft Cases laban sa mga nagmamalabis na dating matataas na opisyal ng lalawigan ng Quezon. Nagsampa ng apat na graft cases ang SENTRO laban sa katiwalian ng itayo ang P500M Quezon Convention Center. Lumalabas na ito ang pinakamalaking convention center sa buong Pilipinas in terms of budget subalit mas malaki ang SM City Lucena na itinayo lamang sa halagang P100M!
  • Pagsasampa ng INTERVENTION sa Korte Suprema upang balewalain ang assessment na ipinataw ng Povincial Assessor na kinatigan ng dating Quezon Governor Wilfrido Enverga sa ari-arian ng Quezon Power Plant Ltd.sa Mauban, Quezon. Sa assessment ng Mauban Assessor na si G. Mario Diamante, ang halaga ng ari-ariang di natitinag ng QPL ay P38B. Samakatuwid ang real property tax nito ay P500M kada taon. Sa assessment ng probinsiya, pinalabas lamang na P15B kaya nalugi ang lalawigan ng P300M amillar taon-taon. Kung sa plunder o pangungulimbat, lampas ang batayan dito laban sa tiwaling pamahalaang panglalawigan.
  • Pagsusulong ng pangungulekta ng real property tax sa Mirant Power Plant sa Pagbilao, Quezon. Simula pa noong 1998, ang utang na amillar ng Mirant ay P2B na subalit walang hakbang na ginagawa ang lalawigan upang ito ay masingil. Hindi maipaliwanag sa SENTRO kung bakit tinututulan ito ng National Power Corp. samantalang ang local na buwis ay dapat bayaran ng Mirant sang-ayon sa ENERGY CONVERSION AGREEMENT. Nagtagumpay ang Sentro sa isang Desisyon ng Korte Suprema noong Hulyo 15, 2009, na nag-uutos sa Mirant o kahalili nito at sa Napocor na magbayad ng P1.5B buwis na sinisingil ng Pagbilao at Lalawigan ng Quezon. Pinagtibay na muli ng Korte Suprema ang kanilang Desisyon noong January 25, 2010.
  • Pagsusulong sa masusing imbestigasyon sa pagpatay kay Kasamang Polly Pobeda, isang broadcaster ng DWTI na pinaslang noong Mayo, 2003. Samantalang nahuli na ang triggermen, ang mastermind nito ay Malaya pa at namamayagpag.
  • Mariing pagtutol sa pagpapasara ng DWTI ng alkalde ng Lucena City at dating gobernador ng Quezon. Ang freedom of the press ay sinisikil ng right to regulate ng local government. Ang issue sa usaping ito ay kung sa tunggaliang freedom of the press at right to regulate, alin ang dapat mamayani. Ang right to regulate ay ina-abuso ng local na opisyal sa paghingi nila ng mga requirements na dating hindi kailangan. Ipinasasara ng radio station dahil sa walang puknat nitong pagpuna sa katiwalian sa lalawigan. Sa kabutihang palad, nabigyan na ng National Telecommunications Commission ng kaukulang lisensya ang nasabing istasyon. Nabigyan na rin ng Mayor’s Permit ng Tanggapan ng Punong Lungsod ng Lucena City ang nasabing istasyon ng TV at radio.
  • Paghahain ng Petisyon sa Korte Suprema upang mapawalang bisa ang RA 9495 na naglalayong hatiin ang Lalawigan ng Quezon sa dalawa: Quezon del Norte at Quezon del Sur. Humihingi ng Temporary Restraining Order ang grupong SAVE QUEZON PROVINCE MOVEMENT upang patigilin ang ilegal na plebisito sa darating na Deciembre 13, 2008. Maraming nilabag na regulasyon sa Constitutional Law ang nasabing batas dahil walang masusing par-aaral ang ginawa ng prinsipal na may-akda dito.
  • Nagpaliwanag sa buong lalawigan kung ano ang kahalagahan ng batas RA 9495 na naglalayong hatiin ang Quezon sa dalawa. Sa nakaraang plebisito, nanalo ang NO ng 202,930 boto laban sa YES na nagkamit ng 155,389. Samakatuwid, nananatiling nag-iisa ang Lalawigan ng Quezon. Di nala-unan ipinalabas na ng Korte Suprema ang kanilang kautusan na naglalayong iproklama na ng Commission on Elections ang nasabing katalaan ng boto sa plebisito.
  • Pagpaparating sa mga kina-uukulan sa Lalawigan ang mahiwagang pagkamatay ng 3 minero sa minahan ng guinto sa Buenavista, Quezon. Walang imbestigasyong isinagawa ang pamunuang bayan at ng Municipal Health Offficer tungkol sa nasabing insidente. Naipahayon na sa Sangguninang Panlalawigan at PNP Provincial Director ang bagay na ito subalit walang kaukulang hakbang na isinasagawa.
  • Pagbubunyag sa nilagdaang RENEWABLE ENERGY SUPPLY AGREEMENT noong Agosto 26, 2008 sa pagitan ng Coco Resources Corporation na pag-aari ng pamilya Suarez at Quezon Electric Cooperative 1. Nanghihiram ng kapital ang CRC sa Development Bank of the Philippines sa halagang P1B upang itustos sa pagpapatayo na isang 10MW Biomass Power Plant. Quezelco 1 ang bibili ng kuryente galing sa plantang ito. Walang pampublikong pagdinig ang isinagawa ng Quezelco 1 sa mga 130,000 kasapi nito. Salat sa impormasyon ang mga kasapi kung ito ay makabubuti sa Quezelco 1. Subalit sang-ayon sa kasunduang nilagdaan, maliwanag na ito ay makabubuti sa kapakanan ng pamilyang Suarez na walang karanasan sa larangan ng power generation. Malaki ang posibilidad na mailit ang proyekto at maging isang tinatawag na white elephant at ang utang ay maliwang na Behest Loan na nauso noong panahon ni Pres. Marcos. Minsan ng nagkaproblema ang DBP sa isang kompanyang pag-aari ng mga Suarez, ang Suarez Agro-Industrial Corporation, kung saan nagkautang ang nasabing kompanya sa DBP ng halagang P650,000 sa rentang hindi nabayaran. Sa isang asuntong kinasangkutang ng Suarez Agro-Industrial Corporation, nabatid ng Korte Suprema na nagsumite ang kompanya sa RTC Gumaca ng pekeng Injunction Bond.
  • Nagsusulong ng pagbalangkas ng Anti-Dynasty Law ayon sa itinatadhana ng Saligang Batas. Sa kadahilanang walang batas tungkol sa dinastiya, ito ang naging dahilan ng Moises Padilla murder in November, 1951, Ora Este Arson noong 1968 at Ampatuan Massacre sa Maguindanao noong Nobyembre 23, 2009 at naglalayong hindi na maulit ang mga trahedyang ito. Tunghayan po ninyo ang isang nakaka-aliw na insidente ng naghaharing dinastiya sa Baler, Aurora kung saan ang patriarkong si Edgardo Angara ay nagbusa dahil rumepeke ang kampana ng simbahang Katoliko habang nagsasalita ang kanyang kapatid na Gobernadora Bella Angara-Castillo.
  • Paghahain ng Petition for Intervention sa Korte Suprema upang malaman ng taong bayan ng Lungsod ng Lucena kung sino ang tunay na nombrado ng bayan sa pagka-Alcalde sa nasabing Lungsod. Sa pananaw ng Save Quezon Province Movement ang mga doctrina inilatag sa SACLOLO at MATABUENA ay sapat na batayan upang mapawalangsaysay ang certificate of candidacy ni Gng. Ruby Talaga, maybahay ni dating Mayor Ramon Y. Talaga na inihain noong halalan ng Mayo, 2010. Sumasamo din ang SQPM sa SC na mangyaring madaliin ang resolusyon ng kaso dahil hindi naman ito kasing hirap ng agham ng rocket. Nauubos ang oras ng termino ng tunay na dapat umupo sa papetik-petik na usad ng kaso sa Mataas na Hukuman.
  • Naghain ng petisyon ng Writ of Amparo  sa Gumaca Regional Trial Court laban sa Kalihim ng Department of National Defense, AFP Chief of Staff, at COL. RODOLFO B.LAVADIA, JR., COMMANDINGOFFICER, 85TH INFANTRY BATTALION, PHILIPPINE ARMY,ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES, GUMACA, QUEZON. Si Felix Balaston ng Malabahay, Macalelon, Quezon na isang magsasaka at ang karagdagang hanapbuhay ay pumuputi ng puso ng pik-iw sa kalaan ay nawawala pa noong Marso 27, 2011. Marami ang nakasaksi na si Felix Balaston ay dinakip ng mga militar noong Marso 27, 2011. Sa kasalukuyan, itinatanggi ng militar ng nasa kanilang pag-iingat si Felix Balaston na lubos na ikinalulungkot ng kanyang inang si Feliza at ipinangungulila ng asawang si Mirasol at kanilang munting anak na si Gerardo.
  • Pagpaparating sa Commission on Audit noong Marso 5, 2013 ng paki-usap na mabigyan ang Sentro ng Audit Report tungkol sa pondong P10M na tinanggap ‘di umano ng UNLAD QUEZON FOUNDATION na itinatag ng mag-asawang Cong. Danilo Suarez at Aleta Suarez mula sa Kagawaran ng Pagsasaka. Lumalabas na huwad na mga magsasaka ng Tiaong ‘di umano ang tumanggap ng pondo. Sa pagsasaliksik, ang nasabing Pundasyon ay binawian na ng lesensya ng Securities and Exchange Commission noong pang 2003 samantalang ginamit ang Pundasyon noong 2008 hanggang 2011 upang maging himpilan ng pondo. Ang anak ng mag-asawang Suarez na si Gov. David Suarez ay nagpanukala ng dalawang Resolusyon na gumagamit sa Pundasyon upang mapagkalooban ng pondong panlalawigan:

    Resolution 2011-626 A Resolution authorizing the Honorable Provincial Governor, David C. Suarez to enter and sign into a memorandum of agreement by and between the Provincial Government of Quezon and Unlad Quezon Foundation. Relative to the goat raising program of the Provincial Government. 2011 May 2

    Resolution 2011-627 A Resolution authorizing the Honorable Provincial Governor, David C. Suarez to enter and sign into a “memorandum of agreement” by and between the Provincial Government of Quezon and Unlad Quezon Foundation Incorporated (UQFI), for the promotion of people empowerment by strengthening people’s organization, cooperatives and NGO’S, and by establishment and improving mechanism and processes for their participation in Government decision-making and implementation. 2011 May 2