Sa isang palitan ng kuro sa pagitan ni Zhou Enlai at Henry Kissinger, nagtanung ang huli sa una kung anu ang palagay nya sa liberal democracy na nagsimula sa Francia noong Fall of Bastille. Ang sagot ni Zhou, “maaga pang sagutin yan (It’s too early to tell…sapagkat 200 taon pa lang ang batayan kumpara sa 4000 taon ng political tradition ng Tsina)” Marami ng nagpahiwatig ng malayong pananaw ng Tsina kumpara sa malapitang sipat sa hinaharap ng mga Kanluraning bansa. (“The former premier’s answer has become a frequently deployed cliché, used as evidence of the sage Chinese ability to think long-term – in contrast to impatient westerners.” Tyler Cowen (https://marginalrevolution.com/marginalrevolution/2011/06/it-is-too-soon-to-tell-the-real-story.html)
Alam na natin na wagi ang Pilipinas noong 2016 sa ?Hague Permanent Court of Arbitration na ibinasura ang 9-line teoria ng China at ideneklara nito na lubos na nakasalanta sa marine environment ang land reclamation nito sa ng nasabing lugar.
Kung sino man ang pumuno sa tangke ng krudo ng Duterte campaign noong 2016, nagbingibingihan ang bagong pangulo sa kasong UNCLOS. Noong December 2019 umarangkada ang Wuhan virus. “Maliit na bagay” ‘ika ni Duterte.
Bago matapos ang 2020, nagsakripisyo ang Tsina ng ?90159 na tamaan ng Covid at 4636 na nasawi. Kung baga sa digmaan, 90159 ang nasugatan at 4636 lamang ang casualty. Ilan ang “nasugatan” at “casualty” sa US at Europa Canada UK Russia at Australia? Mga bansang kilala bilang Allied Forces noong WW II. Sa US o North Amarica at Europa pa lamang:
Europe 38,857,939 900,276
North Ameri… 35,581,463 +5,600 814,567
ang mga “nasugatan” at “namatay”.
Limang taon ang nagdaan mula 2016 ng maluklok si Duterte, sa bansang ito 600k ang “nasugatan” at 14k ang “namatay” sa “digmaan”. Alam natin na sa paraang digmaan sinasakop ng bansang nagwagi ang teritorio o bahagi ng teritorio ng nagaping bansa.
Halimbawa nito ay noong sakupin ng Iraq ang Kuwait. Tagumpay ang Iraq. Nasakop nito ang Katimogang Kuwait. Subalit nakiaalam ang US at mga kasapi nito. Ang mga isla sa West Philippine Sea ay sinakop ng Tsina. Dahan-dahang inukopa ng eskumbrong galing sa Zambales pa mandin. Ironic ang tawag sa Ingles nito.
Maaring nakakasa na ang Covid-19 virus na galing ‘diumano sa Wuhan bat o laboratorio ng virus research sa Wuhan. Kung baga sa chess, isinakripisyo ang rook o knight upang magupo hindi lang Amerika kundi buong mundo kaya kumalat muna sa Tsina ang virus at dumapo sa humigit kumulang ng 90000 nagkasakit at 4500 na namatay. Disimulado. Work of a military genius by a civilian leader like Xi Jingpin.
Makaraan ang isang taon mula Marso 2020, 650000 na ang tinamaan sa Pilipinas mas marami pa sa Tsina samantalang 1.5B ang populasyon nito. Naka prente ang Tsina sa naparaming isla na ng Pilipinas. Nangangamatay na ang active cases na 100000 sa bansa. Unos na ang positive. Wala ng paglagyang ospital. AT WALA PANG BAKUNA.
Nasaan ang Amerika at Europa? Ang UN? Ang WHO? Minuramura ng matigas na pinuno ng Pilipinas. Natural sa tao ang maghiganti sa kung anong paraan maliban sa karahasan laban sa mga katulad ni Duterte na umalipusta sa kanilang karangalan.
Ganun ang nangyari ng kumatok sa kanilang pinto ang mga amateur na heneral ni Duterte. Nasakop na ang WPS. Maraming casualty sa North America at Europe. Bakit nga naman papansinin ang walang kwentang third world na perlas ng silangan.
Gagamutin muna nila ang mga tinamaan ng virus sa kanila. Talo sila sa gyera na inilunsad ng Tsina. Ibang anyo ng guerra mondial.
Hanggang dun lang muna, ‘ika ng Tsina. Subalit isang sakong chips ang nakatago: 100M vaccines. Isa o dalawa pang isla tulad ng Julian Felipe sa Scarborough ang pwede ng ipambayad.
Inembento ng Tsina ang pulbura noong ika-siyam na siglo. Sa loob ng maraming taon, pulbura ang gamit sa mga malawakang digmaan. Ngaun, isang microscopic na butil ang kumitil ng buhay ng milyong tao sa mundo.
Ang virus ba ang bagong Atomic Bomb? Wala poison o mustard gas o operation orange. Walang aggressor. Walang military alliance. Walang peace treaty. Walang war reparations. ‘Ika ng lolo ko, “sungay mo sunong mo; buntot mo hila mo!” Virus.
Mukhang sumabog na at ang unang biktima ay ang Pilipinas. Kung susumahin mo ang ginastos ng Tsina sa WW III, baryang barya pero sulit na sulit. Mayaman ang WPS. Marine life at Langis. Kinabukasan natin pwedeng mabago ng WPS. Pero talo tayo sa gyera.
Kung baga sa Poker, POGO ang penny ante or money on the table. Pamusta natin? Ang batas ni Duterte o kung may nasusunod nito. Nagtatago na si Duterte.
Happy 76th Birthday Mr. President.
0 Comments